Nagkaloob ng karagdagang dalawang bilyong piso ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) sa Department of Education para magtayo ng mga gusaling pampaaralan.

“Rebuilding lives.” Ito ang binigyan-diin ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) chairperson at CEO Cristino Naguiat Jr., nang ibigay kay Education Secretary, Br. Armin A. Luistro ang tseke para sa “Matuwid Na Daan Sa Silid-Aralan.”

Nauna rito, nagkaloob ang Pagcor ng P5 bilyon para solusyunan ang kakulangan sa silid-aralan kabilang na ang P2 bilyong pagkukumpuni at paggawa ng paaralan sa Visayas matapos ang super typhoon Yolanda.

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026