LOS ANGELES (AFP) – Ang Oscar-winner na si Christian Bale — na nakilala nang husto sa kanyang pagbibida bilang Batman sa blockbuster na mga pelikulang Dark Knight — ang gaganap sa papel ng Apple co-founder na si Steve Jobs sa biopic ng huli.

Christian Bale“We needed the best actor on the board in a certain age range and that’s Chris Bale,” sabi ng screenwriter ng pelikula na si Aaron Sorkin sa panayam ng Bloomberg Television na ipinaskil online noong nakaraang linggo.

Nanalo ng Academy Award sa kanyang screenplay para sa The Social Network tungkol sa Facebook at sa isa sa mga nagtatag nito na si Mark Zuckerberg, sinabi ni Sorkin na napakadali lang para sa kanya na ibigay ang lead role kay Christian.

“He didn’t have to audition,” sabi ni Sorkin, bagamat sinabi ng writer na “there was a meeting” bago ibinigay sa British actor ang role.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“He has more words to say in this movie than most people have in three movies combined,” sabi ni Sorkin, na sinusulat ngayon ang script para sa Sony Pictures batay sa 2011 biography na Steve Jobs na sinulat ni Walter Isaacson.

“There isn’t a scene or a frame that he’s not in. So it’s an extremely difficult part and he is going to crush it,” sabi pa ni Sorkin.

Naitampok na sa pelikula ang kuwento ng buhay ng Apple inventor sa drama movie na Jobs na pinagbidahan ni Ashton Kutcher noong nakaraang taon. Matamlay ang mga rebyu sa pelikula.

Nanalo si Christian ng Best Supporting Actor Oscar noong 2011 para sa The Fighter. Umani rin ng papuri ang pagganap niya sa American Psycho noong 2000, at tumanggap siya ng Academy Award best actor nomination para sa American Hustle noong 2013.