Inilagay ng Philippine National Police (PNP) sa pinakamataas na alerto ang buong puwersa nito para sa paggunita sa Undas sa buong bansa.

Sinabi kahapon ni PNP chief Director General Alan Purisima na inatasan niya ang mga regional police office sa bansa na magpatupad ng security measures kasabay sa pagpapatupad ng pulisya ng full alert status.

Nakaalerto ang buong pulisya sa Todos Los Santos sa Nobyembre 1 at sa Araw ng mga Patay sa Nobyembre 2, at magdadagdag ng mga pulis sa mga sementeryo, matataong lugar at transport terminals na inaasahang dadagsain ng mga pasahero.

Magtatayo rin ang PNP ng assistance hubs alert at quick response teams habang ang Highway Patrol Group (HPG) naman ay naatasang magtalaga ng mga road safety marshal.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Kasabay nito, pag-iibayuhin din ng awtoridad ang intelligence gathering, counter intelligence at police operations upang mahadlangan ang mga magtatangkang maghasik ng karahasan.

Bukod dito, maglalagay din ng dagdag na bantay sa mga power plant, vital installation, kasama na ang mga telecommunication relay stations.

Pinayuhan ni Purisima ang mamamayan na magpupunta sa mga sementeryo na huwag iwanan ang bahay nang walang tao at kung hindi maiiwasan ay mag-iwan ng kahit isang ilaw na nakabukas o ibilin ang tahanan sa mapagkakatiwalaang kapitbahay.