Makaraang sumailalim sa surgery upang ayusin ang isang facial fracture, inaasahang hindi makapaglalaro ng isang buwan si Orlando Magic Victor Oladipo ngayong season, lahad ng league sources ng Yahoo Sports.

Si Oladipo, ang 2014 runner-up para sa Rookie of the Year award ng NBA, ay tinamaan ng siko sa ulo sa ensayo noong Huwebes. Siya ay sumailalim sa isang surgical procedure kahapon.

Para sa Magic, ang pagkawala ni Oladipo ay isang malaking dagok at dumagdag pa sa papasanin ng rookie na si Elfrid Payton Jr., na malaki ang papel habang wala si Oladipo.

Kumpiyansa ang Magic na si Oladipo, nag-average ng 13.8 puntos, 4 assists at 4 rebounds noong huling season, at si Payton ang bubuo sa backcourt ng prangkisa sa mga darating na taon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Si Oladipo ay ang No. 2 overall pick mula sa Indiana noong 2013 draft. - Yahoo Sports