KAYRAMING problema ng Pilipinas. Target ito ng panduduro ng dambuhalang China sa West Philippine Sea. May kontrobersiya sa PDAF at sa Disbursement Acceleration Program (DAP) na binubuno si PNoy at kanyang administrasyon. Matindi ang panawagan ng mga mamamayan, lalo na ng mga kritiko at makakaliwang grupo, na buwagin ang Visiting Forces Agreement (VFA) ng US at PHL at maging ang Enhanced Defense Comprehensive Agreement bunsod ng pagkakapatay ng isang US Marine soldier sa transgender na si Jeffrey Laude. Agrabyado raw tayo sa mga kasunduang ito. Pati ba naman kung dadalaw o hindi sa burol ni Jennifer/ Jenny Ganda sa Olongapo City si PNoy, ay itinanong sa pulong ng Foreign Correpondents of the Philippines? Bakit hindi ito ginagawa ng maka-komunista sa pananakot, pananakop at pag-agaw sa teritoryo ng Pinas sa West Philippine Sea ng China?

Nakulong si Pareng Erap dahil sa katiwalian. Nakakulong ngayon si Aling Maliit (GMA) dahil sa plunder case. Pagkatapos ng 2016, si PNoy naman kaya ang susunod na mabibilanggo? Sinabi ng binatang Pangulo na handa siyang makulong kung ito ay bunsod ng mga aksiyon at desisyon na sa kanyang palagay ay makatarungan at makabubuti sa bayan. At dito ay kabilang ang DAP na inimbento ni DBM Butch Abad.

Matapos ang dismissal ni Sandiganbayan Justice Ong dahil sa pagkakasangkot sa isang kaso noon ni Janet Lim Napoles, napabalita noong Huwebes na dalawa pa raw mahistrado ang nahaharap din sa dismissal dahil sa pag-acquit kay Reyna Janet sa malversation case noong 1998 tungkol sa 500 Kevlar helmet para sa Philippine Marines.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Sa wakas, nailipat na rin mula sa US Warship Peleliu si Marine PFC Joseph Scott Pemberton na diumano ay pumatay kay Jeffrey Laude, alyas Jennifer. Siya ay nakapiit sa isang air-conditioned 20-footer shipping container. Noong Miyerkules, sinugod ng kampo at pamilya ni Laude, kasama ang abugadong si Harry Roque, ang Camp Aguinaldo at tinangkang kausapin si Pemberton. Ang restricted area ay tinalon ng kapatid ng transgender at ng kanyang German fiance. Di ba paglabag ito sa camp regulations?