Muling bumagsak ang temperatura sa Baguio City ilang linggo makaraang ideklarang taglamig na sa bansa.
Ayon sa report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), naitala ang 15.0 degrees Celsius sa Baguio noong Biyernes ng umaga, at inaasahang bababa pa ang temperatura sa Benguet hanggang sa Pebrero ng susunod na taon.
Enero 18, 1961 nang maitala ang pinakamababang temperatura sa Baguio City na bumagsak sa 6.3 degrees Celsius.