“Ryan! Tigilan mo iyang kalalaro ng halaman ni Aling Lucing! Halika rito, bata ka!” sigaw ng amiga kong kapitbahay sa kanyang paslit anak na nahuli niyang namimitas ng mga dahon ng gumamela mula sa bakuran ng kanilang kapitbahay. “Ryan! Hindi mo ba ako narinig? Tigilan mo iyan dahil gegerahin ako no Aling Lucing! Halika rito! Papaluin kita!” At lalo pang namitas si Ryan at pagkatapos tumakbong papalayo, patungo sa kanyang mga kalaro.

Minsan, hindi naman nakatutulong ang mga pagsuway upang bumuti ang ating pag-uugali. Paano nga naman lalapit si Ryan sa nanay niya kung nagbanta sa kanya ito na papaluin siya? Ang iba, lalo lang sumusuway sa mga magulang sa kabila ng mga pananakot o pagbabanta sa mga ito.

Halimbawa: Gusto mong pangaralan ang iyong anak na huwag lustayin sa walang kapararakang bagay ang allowance nito. Sa halip na pagsabihan, bigyan mo siya ng alkansya at himuking maghulog ng piso araw-araw na may pangakong dodoblehin mo ang naimpok niya pagsapit ng takdang panahon (pambili ng mas may pakinabang na gamit pang-eskuwela na gusto niya). Habang naghuhulog siya ng barya sa alkansya at tinitimbang-timbang ang bigat nito, naroon ang pananabik na mapuno niya iyon agad. Naikikintal sa proseso ang kahalagahan ng pag-iimpok. Na habang nagtitipid siya at naghuhulog sa alkansiya, alam niya na tiyak na darating ang araw na magagamit niya ang perang naimpok sa mas magaganda at kapakipakinabang na bagay.

Tulad din ito ng isang teacher na nagtatatak ng makukulay na star sa notebook ng kanyang paslit na estudyante kapag nakagawa ito ng magandang performance. Lalong ginaganahan ang bata sa pag-aaral.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tayo rin ay kailangan ng positibong panghihimok upang manatili tayong tumatahak ng tamang landas. Kung ang layunin nating tumayo sa harap ni Jesus balang araw na buo ang kumpiyansa at hindi nahihiya, nanaisin nating sundin Siya. Habang hinihintay natin ang araw na iyon, at habang tinutularan natin si Jesus, magkakaroon tayo ng mas matibay na kumpiyansa.