Hindi pa rin matiyak ni Vice President Jejomar C. Binay kung haharap na siya sa pagdinig sa Senado matapos siyang imbitahan ng Senate Blue Ribbon committee.

Sa isang press conference sa Pagadian City kamakailan, sinabi ni Binay na napag-alaman niya na mismong ang mother committee na ng subcommittee—na nag-iimbestiga sa mga alegasyon ng korupsiyon laban sa kanya—ang nagpalabas ng imbitasyon para paharapin siya sa inquiry.

“May balita ako na nagpapatawag na nga ang mother committee. So, tingnan muna natin kung ano…tsaka na po pag-usapan,” sabi ni Binay.

Ang ginawa ng Senate Blue Ribbon committee ay napaulat na bilang tugon sa hamon kamakailan ng kampo ng Bise Presidente na haharap lang ang huli sa Senado kung mismong ang Camiamother committee ang mag-iimbita sa kanya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Una nang nanindigan si Binay na hindi siya dadalo sa subcommittee hearing kaugnay ng umano’y overpriced na Makati City Hall Building II, na itinayo noong siya pa ang alkalde ng siyudad.

Sinabi ni Binay na nagmistula nang “forum” ang pagdinig at hindi na ito matatawag na inquiry. (JC Bello Ruiz)