MEMPHIS, Tenn. (AP)- Tinulungan nina Chris Bosh at Dwyane Wade ang Miami Heat na isara ang preseason na taglay ang kanilang ikaapat na sunod na pagwawagi, ngunit ang mga reserba ang nagpreserba ng panalo.
Umiskor si Bosh ng 21 puntos, habang nag-ambag si Wade ng 16 upang biguin ng Heat ang Memphis Grizzlies, 104-98, kahapon.
‘’Obviously, myself and Chris are the two main guys when it comes to play calling and things of that nature,’’ pahayag ni Wade.
‘’I thought we did a good job, especially late in the preseason, of getting to our game and everyone still feeling comfortable in their roles.’’
Itinulak ng Heat bench ang kalamangan sa 17 sa kaagahan ng fourth quarter. Bagamat nailapit ito ng Memphis sa 94-91 sa halos 4-minute mark, ‘di pa rin magawa ng Grizzlies na mas makalapit sa kalaban.
Sina Wade at Bosh ang main holdovers mula sa nakaraang taong koponan matapos ang paglisan ni LeBron James. Kapwa sinabi ng dalawa na ang Both preseason ay naaayon lamang upang maituwid nila ang kanilang gagampanan sa tamang hakbang.
‘’I think, overall, it was a good preseason,’’ saad ni Bosh. ‘’We started off a little slow, and that was to be expected with so many new guys trying to learn everything. We have pretty much new roles all the way around.’’
Tumapos si Norris Cole na mayroong 14 puntos sa Miami, habang nagdagdag si Mario Chalmers ng 11. Nagposte sina Shawne Williams at rookie James Ennis each ng tig-10 para sa Heat.
Pinamunuan ni Jon Leuer ang Grizzlies na taglay ang 21 puntos, habang nagsalansan si Vince Carter ng 13, kabilang na ang pagkonekta sa lahat ng tatlo nitong 3-pointers. Tanging si Zach Randolph lamang ng Memphis starter ang nagkaroon ng double figures na taglay ang 12 puntos. Nagtala rin si rookie Jordan Adams ng 12 puntos.
Kapwa klaro naman sa dalawang coach na hangad na nilang makarating sa regular season upang tumatak sa kanila ang kanilang nagawa sa preseason game.
‘’We are healthy, and that is the most important thing out of (Friday’s) game,’’ ayon kay Memphis coach Dave Joerger makaraan ang pagkatalo. ‘’We kept our guys’ minutes down as much as possible and just wanted to have them play the first half and get guys off the floor.’’