Hangad ni Ilocos Sur Governor Ryan Luis Singson na maisagawa sa kanyang rehiyon, kandidato ngayon sa buong mundo bilang isa sa “New Seven Wonders of the World,” bilang host ang prestihiyosong Palarong Pambansa na magbabalik sa Luzon sa 2016.

Ito ang inihayag mismo ng bunsong anak ni dating Governor Luis Chavit Singson na masidhing tinatarget na maging punong-abala ng Palaro para sa mga estudyanteng atleta sa elementarya at sekondarya matapos na isagawa sa probinsiya ang dalawang matinding laro sa inter-club volleyball na 2014 Philippine Super Liga (PSL) Grand Prix.

“We are concentrating on our youth sports development program now. Puro basketball na lang kami dito sa Ilocos. Napabayaan namin na sa isang tabi ay may mga kabataan kami na magaling din sa ibang sports na tulad ng volleyball at beach volley. Sila ang gusto naming na matulungan ngayon,” sabi ni Singson.

"By bringing world class volleyball games and quality teams, makikita ng aming kabataan ang tunay na labanan sa lokal at internasyonal na volleyball na kanilang maisasagawa sa kanilang mga sarili upang humusay," giit pa ni Singson.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Sinabi ni Singson na kasalukuyang nagpapatayo ngayon ang Ilocos Sur ng isang international standard at halagang P100-milyon Sports Complex sa bayan ng Quirino. Magkakasama sa Sports Complex ang makabagong track and field oval, football field, swimming pool, archery range, indoor at beach volley court at dalawang basketball court.

“We want our kids to learn and expect more sports where they can compete and will have options to choose which sports they want. We want also to have more players coming from Ilocos be in the national teams,” dagdag pa nito.

“We want to host Palaro. The construction of Quirino Sports Complex that will house football, track and field, indoor volleyball and also beach volley court will be finished by February 2016, just in time to make a realistic bid and to submit our bid to the Department of Education,” ayon pa kay Singson, na dating player sa football.

Dalawang beses pa lamang nakakapag-host ang Ilocos Sur, una ay ang 6th edisyon noong 1953 at 24th edisyon noong 1973 na kapwa ginanap sa Vigan City habang kilala pa ang Palarong Pambansa bilang Bureau of Public Schools Interscholastic Athletic Association (BPISAA) Games.

Hindi pa nagiging punong-abala ang probinsiya sa nakalipas na 33 taon matapos na palitan ang pangalan nito bilang Palarong Pambansa noong 1974, ang ika-25 edisyon na isinagawa naman sa Bacolod City, Negros Occidental.

Magbabalik naman ang Palaro sa rehiyon ng Luzon sa 59th edisyon sa 2016 kung saan nakaantabay na maging host ang Guinobatan, Albay (R-5), Tuguegarao City, Cagayan (R-2), Lingayen, Pangasinan (R-1), Naga City, Camarines Sur (R-5), San Fernando, Pampanga (R-3) at ang Bocaue, Bulacan (R-3).