SAN JOSE, Tarlac - Patay ang isang nakaangkas sa motorsiklo at grabeng nasugatan ang tatlong iba pa matapos masagi ang una ng kasunod na motorsiklo sa San Jose Municipal Road sa San Jose, Tarlac, noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni PO2 Alvin Tiburcio ang nasawing si Jessie Erosa, 43, nakaangkas sa Euro Motorcycle na walang plaka at minamaneho ni Jobert Rollo, 29, magsasaka, ng Barangay Burgos, San Jose. Nasugatan si Rollo sa iba’t ibang parte ng katawan.

Grabe ring nasugatan ang hindi pa nakikilalang lulan sa Yamaha motorcycle (SX-5147) at ang driver nitong si John Angelo Antonio, kapwa ng Bgy. Sula, San Jose, Tarlac.

Patungong hilaga ang Yamaha motorcycle at nilampasan ang tatlong kasunod na behikulo hanggang sa masagi ang motorsiklong minamaneho ni Rollo.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20