BACOLOD CITY- Nakumpiska ng awtoridad ang may P700,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu na itinago sa isang electric stove at pinadala sa pamamagitan ng courier company.

Naaresto naman ng awtoridad ang dalawang suspek na kumuha ng package na kinilalang sina Rey Steve Esteban, 46, ng Barangay Mandalagan, Bacolod City, at Randol San Luis ng Bago City, Negros Occidental.

Ayon sa City Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group, muntik nang makatakas ang dalawa ng malamang binabantayan sila ng mga awtoridad. Matapos ang ilang minutong habulan sa kotse, naaresto ang dalawa at sa presinto na binuksan ang dala-dalang package.

Doon na nadiskubre ng mga awtoridad na may nakatagong shabu sa electric stove.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hinala ng awtoridad, posibleng gagamitin ang shabu sa pagdiriwang ng Bacolod sa Masskara Festival.

Itinangi naman ng dalawang suspek na sa kanila ang shabu dahil napagutusan lamang diumano sila.