AYAW pa rin ng mga obispo na tanggapin ang mga hinihinging kalayaan at karapatan ng gay group, partikular sa mga isyu ng same sex marriage. Maging ang kahilingang tumanggap ng komunyon ng mga katoliko na nagdiborsiyo at nagpakasal sa civil services nang walang annulment ay tinanggihan din ng mga obispo sa ginanap na synod sa Vatican City kamakailan.
Sa makasaysayang dokumento na tinalakay at pinagtibay ng may 200 obispo sa synod sa Rome, tinanggihan ng mga lider ng simbahang katoliko ang original version tungkol sa “accepting and valuing their sexual orientations and giving gays a welcoming home”.
Tinanggal ang gayong mga salita sa bagong bersiyon at gumamit ng salitang malabo, general language na nagigiit sa mga pahayag ng simbahan na “gays should be welcomed with respect and sensitivity”. samakatwid, iwasan ang diskriminasyon sa mga gay at huwag silang ituring na taga-ibang planeta, pero puwera ang same-sex marriage.
Iginigiit ng mga obispo na dumalo sa synod na hindi maaaring pagkumparahin ang heterosexual marriage (kasal sa pagitan ng lalaki at babae) sa homosexual marriage (kasal sa pagitan ng lalaki at lalaki o bakla, at ng babae sa babae o tomboy) dahil ang sakramento ng kasal ay para lang sa isang lalaki at isang babae.
Binibigyang-diin ang pagpapakita ng respeto sa LGBT sapagkat sila ay mga miyembro rin ng lipunan na kakaiba nga lamang ang oriyentasyon. Gayunman, hindi pinapayagan ang same-sex marriage dahil wala nito sa Biblia at aral ng kristiyano.
Si Jeffrey Laude, alyas Jennifer ay nakatakdang i-cremate ngayon (Biyernes). Magiging abo si Jennifer matapos brutal na paslangin ni us Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton, ay magkakaroon na ng ganap na kapayapaan habang nagkakagulo ang Pilipinas at America sa mga isyu ng Visiting Forces agreement at ng Enhanced Defense Cooperation agreement. Naghahanap ng hustisya ang gay group para sa kanilang kabaro at ang buong bansa!