Nakahandang tumulong ang United States national indoor volleyball team member at London Olympian na si Fil-Am David McKenzie upang mas mapalakas ang volleyball at beach volley sa bansa.
Ito ang sinabi mismo ni McKenzie, huling naglaro para sa defending Olympic champion U.S. men’s volleyball team noong 2012, makaraang dalawin ang kanyang mga kamag-anak sa bansa at makita ang sinilangan ng kanyang lola na si dating national team player Elvira Rivera.
Sinabi ni McKenzie na asam niyang makatulong sa pagbuo ng isang malakas at kompetibong pambansang koponan kung mabibigyan ng pagkakataon at posible ding iprisinta ang Pilipinas sa beach volley kung makakakuha ng puwesto.
“It is a great possibility,” sinabi ni McKenzie.
“I have been off the indoor volley since the London Olympics and I am now joining beach volley circuit lately. But it will be great if I had given the chance,” giit pa nito.
Hangad naman ni McKenzie, na miyembro ng American Volleyball Academy, na makapagtayo ng isang volleyball academy sa Pilipinas na katulad sa binuong organisasyon nito sa Singapore.
“I’d like to help in putting up a volleyball academy here in the Philippines, just like in the Singapore where I am presently assigned. I know how passionate and dedicated to the sports of volleyball the Filipinos are and that is one way on my part to Philippines,” sabi pa nito.