COCO Martin

MAY magagandang bagay na natutuhan ang maraming tao at sektor sa naging kontrobersiyal na The Naked Truth fashion show ng Bench.

Sa parte ni Coco Martin, isa sa mga endorser ng Bench, inamin niya na mas naging responsable siya bilang endorser. Aniya, hindi kailanman dapat makatapak sa sinuman ang anumang gawin niya sa pag-eendorso ng produkto.

Like a true gentleman, inako ni Coco ang responbilidad sa nangyari. Isang bagay na ikinahanga sa kanya ng publiko.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Sa parte ng Bench, nangako ito na mas magiging responsable sa kanilang future productions. Mabilis ang naging aksiyon nila sa reklamo ng women’s sector na hindi sinasadyang na-offend nila.

Mataas ang respeto ng Bench sa sektor ng kababaihan.

Kamakailan, nagkita na finally sina Coco at Bench owner Ben Chan. Iyon ang unang pagkikita nila after the controversy, bagamat simula pa man ay mayroon nang exchange of messages between Coco, his management and Ben.

Kahanga-hanga rin ang humility ni Ben Chan na aware simula pa man na kailangan niyang depensahan si Coco bilang endorser ng kanilang produkto. Ipinaramdam ni Ben ang mataas na respeto niya kay Coco bilang parte ng kanyang Bench family.

Patuloy ang magandang samahan ng Bench at ni Coco, isa ito sa masasabing ideal relationship ng endorser at ng may-ari ng kompanya.

Kasabay ng meeting nina Coco at Ben ay ang photo shoot ng aktor para sa Holiday campaign ng Bench. Kaabangabang ang holiday campaign ng Bench na magsisimula ngayong November.

Samantala, bagamat sa November 1 ang birthday, magaganap ang malaking birthday celebration ni Coco ang November 29 kasabay na rin ng kanyang 10th anniversary celebration sa showbiz. Lahat ng mga taong naging bahagi ng 10 successful years niya sa showbiz ay makakasama sa selebrasyong ito, kasama na siyempre ang Bench.