Sugatan ang 21 katao nang araruhin ng isang truck ang tatlong multicab bago sumalpok sa mga tindero at isang poste ng Meralco sa Buhangin, Davao City.

Sa report ng pulisya, binabagtas ng elf truck na may kargang niyog ang NHA Diversion Road, sa Buhangin, bandang 7:30 ng gabi, nang mawalan ng preno.

Ayon sa truck driver na si Ramil Estrera, hindi na niya nakontrol ang takbo ng minamanehong truck na inararo ang tatlong pampasaherong multicab saka dumiretso sa mga tindero at sa poste ng kuryente na muntikan nang matumba.

Tatlo sa 21 sugatan na sakay ng puting multicab na minamaneho ni Wilfredo Sotero ang kritikal dahil sa matinding pinsala.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho