Oktubre 23, 1998, nang ilunsad ng watch-maker firm na Swatch corporation ang “Swatch Internet Time,” na ang decimal time measure ay nagsisilbing alternatibong sistema para sa oras/minuto/segundo. Layunin nito na maialis ang time zone, na mapadadali ang pagsukat ng oras ng bawat indibidwal sa ibang bansa.

Sa nasabing sistema, ang isang araw ay nahahati sa 1,00 “beats,” para sa isang minuto na may 26.4 segundo bawat isa. Ang sistema ay tinatawag na Biel Mean Time (BMT, London time plus one hour), halaw sa Biel, Switzerland, kung saan naroon ang Swatch’s headquarters.

Sa madaling sabi, ang sistemang ito ay isang marketing campaign para sa mga relo. Ito ay nagtataglay ng ilang bentahe. Ang oras sa tanghali ay kinokonsidera sa iba’t ibang beats sa iba’t ibang time zone, walang submultiple units o laktaw na segundo, at ang “Biel Mean Time” ay napagkakamalang meridian time.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina