Hinihiling ng mga bilanggo ng New Bilibid Prisons (NBP) na madalaw sila ni Pope Francis sa pagbisita nito sa bansa sa Enero 15-19, 2015.

Ang kahilingan ay ipinaabot ng mga bilanggo sa pamamagitan ng isang liham sa Papa. Hiniling din ng matatandang bilanggo at maysakit na mabigyan sila ng kalayaan sa pamamagitan ng executive clemency na kapangyarihan ng Pangulo ng bansa.

Ayon kay Rodolfo Diamante, Executive Secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECCPC), Setyembre 26 pa nang ipadala ng mga taga-Bilibid sa tanggapan ng Apostolic Nunciature Bishop Giuseppe Pinto ang liham para kay Pope Francis.

Umaasa si Diamante na mapupukaw ang puso ni Pangulong Aquino at magkaloob ito ng Executive Clemency sa pagdalaw ng Papa sa bansa lalo’t “compassion and merciful” ang tema ng pagdalaw.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Nabatid na sa National Bilibid Prison (NBP) ay mayroong 1,088 senior citizens na nakakulong at nais nang makalaya sa bisa ng Executive Clemency bukod pa ang ibang nasa Correctional Institution For Women.

Ginugunita ngayong linggo ng Simbahang Katoliko ang taunang Prison Awareness Week.