Nakapuwersa ang defending champion na San Beda College (SBC) ng winner-take-all Game Three makaraan nilang gapiin ang Mapua, 78-68, kahapon sa NCAA Season 90 juniors basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

"Depensa lang, ‘yun lang ang naging adjustment namin, kasi sa Game One pina-iskor namin sila ng more than 80 points, so tinapatan ko lang ‘yung mga player to play defense," pahayag ni dating Red Cubs JB Sison.

Nagtala ng 19 puntos, 3 rebounds at 9 assists si Marc Diputado upang pangunahan ang nasabing panalo ng Red Cubs kontra sa Red Robins sa Game One sa iskor na 75-84.

Nag-ambag naman si Joshua Caracut ng 16 puntos at 6 rebounds habang tumapos na may double double 13 puntos at 10 rebounds si Niko Abatayo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Para naman sa panig ng Red Robins, namuno naman si Sherwin Concepcion na nagposte ng 21 puntos at 18 rebounds.

Nakatakdang idaos ang Game Three ng dalawang koponan sa Sabado (Oktubre 25) sa natura ding venue.

Tatangkain ng Red Cubs na makamit ang kanilang ikaanim na sunod na kampeonato habang target naman ng Red Robins ang kanilang unang titulo sa nakalipas na 14 na taon.