Nakakabit pa rin ang Pilipinas sa United States dahil sa 15-taon na Visiting Forces Agreement (VFA).

Ayon kay Senator Miriam Defensor-Santiago, maituturing na “palpak” ang VFA dahil lumalabas na ang pangunahing layunin nito ay ang pagkakabit natin sa US.

““We are a stillborn state, because our umbilical cord with the US has never been cut, The VFA is a historic document of inequity between a former colonizer and its former colony, which some global political analysts describe as a ‘failing state.’ The Philippines is failing because it has never grown up,” ayon kay Santiago.

Nagsagawa ng pagdinig kahapon ang Senate Committee on Foreign Affairs, kaugnay sa pagkamatay ng isang transgender sa Olongapo City na isang sundalong Kano ang suspek.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Nasa kustodiya na ng Armed Forces of the Philippines, si US Marine PFC Joseph Scott Pemberton at ito ay nakapiit sa Camp Aguinaldo.

Si Pemberton, ang suspek sa pamamaslang kay Jeffrey “Jennifer” Laude.

“Never in the annals of modern political history has a country been so manipulated to serve the interest of another, and taught to be so ironically grateful for such an inequitable relationship,” dagdag ni Santiago.