Nasa kustodiya na ng Joint US Military Assistance Group (JUSMAG) ang akusadong US Marine na si PFC Joseph Scott Pemberton kaugnay ng pagpatay kay Jeffrey “Jennifer” Laude sa Olongapo City.

Ito ang kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na nagsabing dinala si Pemberton sa Camp Aguinaldo sa Quezon City bandang 8:50am lulan ng isang US military helicopter mula sa USS Peleliu na naka-dock sa Subic Bay.

Una nang nagsagawa ng occular inspection si AFP chief of staff Gen. Gregorio Pio Catapang sa magiging pansamantalang detention facility kasama na ang magiging tulugan ni Pemberton na akusado sa pagpatay kay Laude.

Inilabas na rin ngayong umaga ng AFP ang mga kuha ng video sa pag-inspection ni Catapang at ang pagdating ng helicopter na nagdala kay Pemberton.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kamakalawa sa preliminary investigation sa Olongapo, hindi sumipot si Pemberton pero inatasan siya ng prosecution panel na dumalo sa Oktubre 27.

Ipinaliwanag naman ni Catapang ang biglang naging desisyon ng Amerika sa pag-turnover sa custody na napagksunduan ng magkabilang panig lalo na ang embahada ng Amerika at ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Napag-alaman na sa isang makeshift na 20-footer van ang magiging kulungan ni Pemberton.