OGIE Alcasid

SI Ogie Alcasid ang diumano’y napipisil ng Malacañang para humalili sa puwesto ng suspendidong si Ronnie Rickets bilang Optical Media Board (OMB) chairman.

Ito ang bulong sa amin ng isang kaibigang aktres na may konek sa Movie and Television Review & Classification Board (MTRCB).

Ayon sa aming informant, maganda kasi ang record ni Ogie bilang presidente ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM). Nakarating na raw kay Ogie ang balita at nagpahayag naman ang singer na interesado siya sa nasabing posisyon.

National

PAOCC Usec. Cruz, inaming may lumapit sa kaniya para tulungan si Alice Guo

Pero ang problema raw ay ang asawa nitong si Regine Velasquez, na tutol na panghimasukan ni Ogie ang posisyon ni Ronnie Ricketts. Hindi rin pabor ang Kapuso singer kung papasukin ni Ogie ang pulitika.

Dagdag pa ng source namin, marami ang kumukumbinsi kay Ogie na tumakbo 2016 elections na tinanggihan na ito.

“Pero malayu-layo pa rin naman ang eleksiyon, ano’ng malay natin, pagbigyan ni Ogie ang mga kumukumbinse sa kanya,” sey pa ng source.

Samantala, bukod kay Ogie, may Kapamilya actor din na kinausap ng Malacañang na may kinalaman sa suliranin sa Optical Media Board.