Hindi maipagtatanggol ni 17th Asian Games gold medalist Daniel Patrick Caluag ang kanyang titulo bilang BMX champion sa susunod na Asian Championships na gaganapin sa South Sumatra, Indonesia.

Ito ay matapos magpasiya ang natatanging atleta na nakapag-uwi ng gintong medalya sa Pilipinas sa katatapos lamang na Incheon Asian Games matapos na ito’y lumiban sa gaganaping ASIAN MTB at BMX Championships sa Nobyembre 1-2.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Ito ang napag-alaman kay PhilCycling BMX coach Gregory Romero nang magpasiya si Caluag na pansamantalang magpahinga upang makasama ang kanyang asawa at ang bagong silang na anak na babae na si Sydney Isabedla na kanyang iniwanan upang matutukan ang pagsasanay at paghahanda sa Asian Games.

Ipinaliwanag ni Romero na pinalipas ni Caluag ang pagkakataon na maipagtanggol at maitala ang rekord bilang maging back-to-back Asian champion dahil sa kakapusan sa panahon.

Matatandaan na napagwagian ni Caluag ang Asian title noong nakaraang taon sa Singapore.

“The race comes too close to the recently concluded Asian games. Though it will be good to participate in regional championships based on the dominant performance he displayed in Incheon, there is nothing to prove there as he is already the Asian champion,” sinabi ni Romero.

Gayunman, nakatuon si Daniel at nakababatang kapatid na si Christopher John sa kanilang paglahok sa 2018 Indonesia Asian Games, Rio de Janeiro Olympics sa 2016, 2015 SEA Games sa Singapore at ang BMX World Cup.