Naagnas na ang bangkay ng isang Australian nang matagpuan sa loob ng isang hotel sa Cagayan de Oro City kahapon.

Kinilala ang dayuhan na si Victor Villa, 64, na tatlong araw na umanong naka-check in sa Beatriz Inn sa nasabing lungsod.

Nagtaka si John Michael Perez, isang room boy, kung bakit tatlong araw na hindi lumalabas ng silid ang biktima na umokupa sa Room 226.

Sa pamamagitan ng duplicate key, binuksan ang pinto at agad na nakita si Villa na nakahandusay sa sahig at wala nang buhay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Agad na ipinarating sa pulisya ang nangyari sa biktima.

Batay sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa bangkay ng biktima, lumilitaw na ito inatake sa puso.

Sinabi ni SOCO medico legal officer Dr. West Edquila na wala silang nakitang foul play sa pagkamatay ng dayuhan.