KATMANDU, Nepal (AP) — Sinabi ng Nepal noong Martes na magpapatupad ito ng mga bagong patakaran, pagbubutihin ang weather forecasts at pagsusubaybay sa galaw ng mga trekker matapos ang pinakamalalang hiking disaster ng bansang Himalayan na ikinamatay ng 41 katao noong nakaraang linggo.
Inihayag ni Tourism Department official Tulasi Gautam na ang mga aakyat sa bundok ay oobligaghin nang kumuha ng trained local guides, at pagrerentahin ng GPS tracking unit upang makatulong sa mga awtoridad na mabilis silang matunton sa oras ng pangangailangan.