Sa katatapos na 5th Mandatory Continuing Legal Education (MCLE) Accredited National Convention, sa pangunguna ng Public Attorney’s Office (PAO), na pinamumunuan ni Chief Public Attorney Persida V. Rueda-Acosta, na idinaos sa Manila Hotel on Oktubre 13-17, 2014, ay nagkaloob muli ng bagong daan para sa mahigit 1,500 public attorney upang malaman ang bagong trial techniques, professional ethics and standards, law and jurisprudence; at repasuhin ang justice system ng bansa.

Ang PAO, na isang authorized MCLE provider, ay nagdaraos ng mga kumbensiyon mula pa noong 2003, upang ayudahan ang mga public lawyers sa pagkukumpleto ng kanilang 36-unit legal education activities na accredited ng MCLE Committee of the Supreme Court of the Philippines. Ang tema para sa kumbensiyon ngayong taon ay “Pagpapaunlad as Kakayahan, Talino, at Integridad ng mga Manananggol Pambayan Tungo sa Paghahari ng Batas at Katarungan”.

Kumikilos sa ilalim ng Department of Justice, nagkakaloob ang PAO para sa mahihirap na akusado, ng maralitang Pilipino ng libreng access sa mga hukuman at iba pang judicial at quasi-judicial agencies, sa pamamagitan ng paglalan ng legal services, counseling, at assistance upang ipatupad ang Constitutional guarantee ng libreng access sa mga hukuman, due process, at patas na proteksiyon ng batas. Mayroon itong isang special assistance program para sa mga bilanggo, senior citizens, overseas Filipoino workers, at indigenous groups. Nasa sentro ng legal aid program ay ang public service-oriented na mga abogado na nakatalaga sa 16 regional office at 257 district at sub-districs. Isang PAO lawyer ang umaayuda sa bawat 2,225 hukuman sa bansa.

Ngayong Oktubre 22, nagdiriwang ang PAO ng kanilang 47th Founding Anniversary sa paggawad dito ng 2014 Anti-Red Tape Act Breakthrough Agency Award ng Civil Service Commission. Naghahanda ang PAO para sa milyahe nitong ika-50 taon sa 2017.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang Citizens Legal Assistance Office ay nilikha sa bisa ng Presidential Decree No. 1 at Implementation Order No. 4, ipinatupad noong Setyembre 21, 1972 at Oktubre 23, 1972, ayon sa pagkakasunod. Ang Republic Act 9406, ang PAO Law, ay nagreorganisa at pinatibay ang libreng legal aid service nito, pinahintulutan itong humawak ng 500,000 kaso taun-taon.

Kabilang sa mga serbisyo nito ay ang katawanin ang maralitang akusado sa mga hukuman, preparasyon ng mga affidavit, administrasyon ng panunumpa, pagnonotaryo, legal assistance sa imbestigasyon, counseling para sa mga walk-in na kliyente, mediation at conciliation, barangay outreach, legal information dissemination, at pagbisita sa mga kulungan. Maraming kliyente ang humihingi ng tulong sa PAO taun-taon, na nagpapatunay lamang ng kanilang tiwala sa ahensiya. Noong 2013, pinaglingkuran nito ang mahigit 7.1 milyong kliyente at hinawakan ang 746,162 kaso.