Sa gitna ng umiinit na isyu sa pagpatay sa isang transgender na Pilipino, nagtakda na ang Korte Suprema ng oral arguments kaugnay ng mga petisyon na kumukwestiyon sa constitutionality ng kontrobersyal na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Gaganapin ang oral argument sa Nobyembre 18, ganap na 2:00 ng hapon. Kung hindi kakayaning matapos sa nabanggit na araw ang pagdinig, posible itong ituloy sa Nobyembre 25.

Kasabay nito, naglatag din ang hukuman ng mga isyung tatalakayin sa oral arguments:

May legal standing ba ang mga petitioner sa pagsampa ng kaso; maituturing ba na treaty o isang international agreement ang EDCA na mangangailangan ng pagsangayon ng Senado; mayroon bang binago ang EDCA sa mga probisyon ng alinmang umiiral na tratado sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika; maituturing ba na foreign military bases o facilities ang agreed locations o napagkasunduang lokasyon na nakasaad sa EDCA? Kung hindi man, ano ang matatawag sa agreed locations at ano ang ligal na batayan para ito ay hayaang magpatuloy; may limitasyon ba ang itinatakda sa Konstitusyon na kapangyarihan ng Pangulo tungkol sa mga usaping may kinalaman sa foreign relations; at napagkakaitan ba ng EDCA ang Korte Suprema ng judicial power nito?
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente