Dalawang armadong lalaki ang namatay makaraang manlaban sa mga tauhan ng sa pulsiya sa Davao City kahapon.

Sinabi ng Davao City Police Station, ang engkuwentro ay naganap sa Barangay 23-C, Isla Verde, Davao City.

Sinabi ni Davao City Police Station chief Supt. Royina Garma, nang sitahin ng pulis ang dalawang suspek ay agad na pinaputukan ang awtoridad kaya gumanti ang mga ito ng putok na ikinamatay ng dalawa.

“May tumawag sa amin na may armado raw dito sa likod ng Zonta Elementary School. So, pagdating namin, naabutan namin ang dalawang lalaki na nag-uusap,” ani Garma. Nang tanungin ng mga pulis ang mga suspek agad bumunot ng baril ang isang suspek at patakbong pinaputukan ang mga pulis.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nabatid ang dalawang suspek at sangkot sa pagpapakalat ng droga sa lungsod.

Nasamsam ng pulisya sa dalawang suspek ang dalawang baril at mga plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.