Naging malinaw sa atin kahapon na marami sa atin ang naniniwala na ang pagiging matipid ay nangangahulugan ng pagiging miserable. Ngunit hindi naman kailangang maging masakit ang pagtitipid. Ito ay simpleng pag-aaral ng mga bagay na maaari mong baguhin na hindi naman nakaaapekto sa iyong kaligayahan. Tandaan: Panatilihin mo lang ang mga bagay na mahalaga sa iyo, hindi ang palagay ng iyong mga kasama sa kung ano ang dapat mong paglaanan ng pera. Kung wala ka namang problema sa cellphone unit mo, huwag ka nang bumili ng latest model dahil lamang nagbilihan ang iyong mga kaibigan at kasama. Ipagpatuloy natin...

  • Alamin mo rin kung ano ang hindi mahalaga sa iyo. - Kapag nabatid mo na kung anu-anong bagay ang mahalaga sa iyo na nakapaghahatid ng kabutihan sa iyong buhay, dapat alamin mo rin ang hindi. Marahil bumibili ka ng branded items sa supermarket o yaong sikat ngunit mahal na produkto dahil iyon na ang nakaugalian mo, may makaaalam ba kung ggamit ka ng mas murang halaga? Di hamak na mas mura ang generic kaysa branded ngunit pareho lang ang kalidad.

Kung araw-araw kang bumibili ng imported chocolate bago ka pumasok sa trabaho o eskuwela, binibili mi ba iyon dahil sarap na sarap ka o naging habit mo na? Subukan mong sa bahay na lang mag-almusal at minsan na lang sa isang linggo ka bumili ng paborito mong chocolate. Magugulat ka rin sa iyong pananabik sa chocolate na iyon at aakyat ng ilang antas ang iyong kasiyahan kapag nginangasab mo na.

Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11

Noon, bago ako pumasok sa trabaho, pumapasok muna ako sa isang convenience store na nasa ibaba lamang ng aming gusali. Doon ako nagkakape at kumakain ng paborito kong siopao. Mula Lunes hanggang Biyernes ganoon ang aking ritual, hindi dahil masarap ang siopao na kanilang tinda kundi naging habit ko na ang pagkain niyon. Hanggang isang araw namalayan ko na lang na kinakapos na ako ng pera para sa morning ritual na iyon. Kaya nang simulan kong mag-almusal sa bahay mula Lunes hanggang Huwebes naging kapana-panabik sa akin ang paborito kong siopao. Biglang sumarap yata. Dahil binago ko ang aking morning ritual, nakatitipid ako sa pera na hindi naman ako miserable.

Tatapusin bukas.