Kim Henares Mb File

Itinalaga ng United Nations Economic and Social Council (UNSEC) si Bureau of Internal Reveneu (BIR) Commissioner Kim S. Jacinto-Henares bilang miyembro ng UN Committee of Experts on International Cooperation in Tax Matters.

Nirerebisa ng lupon ang UN code on taxation at nagbibigay ng suhestiyon sa mga bansang miyembro ng organisasyon sa epektibong pagpapatupad ng batas sa buwis.

Nireresolba rin nito ang iba pang kritikal na isyu tulad ng double taxation at tax treaties sa pagitan ng UN at mga miyembrong bansa nito.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ayon sa sources, napili ng organisasyon na nakabase sa Switzerland si Henares upang maging miyembro ng komite dahil sa dalubhasa ito sa larangan ng international tax law.

Bago ang kanyang pagkakatalaga, si Henares ay nagsilbing consultant ng World Bank sa usapin ng buwis.

Tumulong si Henares sa pagsasaayos ng internal revenue service sa Afghanistan sa kabila ng kaguluhan sa lugar.

Pinalitan ni Henares ang isa sa tatlong miyembro ng komite na nagbitiw sa puwesto kamakailan.

Si Henares ay nagtapos ng Masters of Law sa Georgetown University sa Washington D.C., Bachelor of Laws sa Ateneo de Manila University at accountancy sa De La Salle University. (Jun Ramirez)