Patay ang isang engineer makaraang sumemplang sa kanyang sinasakyang motorsiklo at masagasaan nang dalawang beses sa southbound lane ng South Luzon Expressway (SLEx) sa Magallanes, Makati City kahapon ng madaling araw.

Kinilala sa pamamagitan ng Professional Regulation Commission (PRC) ID, namatay ang biktima na si Engineer Jun Yasul, 57, nakatira sa Cairo St. Purok 4 Multinational Village Moonwalk Paranaque City.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Marcelino Peralta, dakong 3:30 ng madaling araw sakay ang biktima ng motorsiklo nang masagi ng isang kotse na hindi naplakahan sa southbound lane ng SLEX.

Tumilapon ang biktima at nasagasaan ng parating na truck na hindi rin naplakahan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinisiyasat ng awtoridad ang kuha ng closed circuit television (CCTV) camera sa lugar sa posibleng pagtukoy naman sa plaka ng kotse at truck para matunton naman ang mga driver na sangkot sa nasabing aksidente.