Assunta de Rossi

KUNTENTO na pala si Assunta de Rossi bilang misis ni dating Negros Occidental Representative Jules Ledesma at nagpaplano na silang magka-baby.

Pero hindi niya itinanggi na nami-miss din niyang umarte at timing naman na nang i-offer sa kanya ang Beauty In A Bottle ay nagustuhan niya ang script.

“Kasi nga nu’ng na in-offer sa akin ‘yung movie, ‘yun ‘yung time na I wanted to get pregnant, pero sabi ko, just give me three months. Sabi ko sa asawa ko kasi, ‘I’m too skinny’.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“One hundred fifteen pounds ako dati, so ganu’n lang ako kaliit dati, so talagang nag-gym ako para lumaki ang katawan ko, na parang kain-kargador na rin kasi ‘pag galing ako sa gym, gutom na gutom ako, eh. Kahit siguro sino, ‘di ba? Kaya, umakyat nang umakyat ang weight ko.

“‘Tapos, bigla niyang sinabi, ‘Gusto mong gumawa ng pelikula?’ Sabi ko, ‘Ha?’ E, di okay! So bigla kong binasa ang script, at tamang-tama at nire-ready ko rin ang katawan ko at puwede na akong gumawa ng pelikula,” kuwento ni Assunta sa press launch ng Beauty In A Bottle.

“Pero sabi ko, ‘My God, ang taba ko na ‘ata?’ Paano pa ako magpepelikula, eh, hindi ko na gustong mag-lose ng weight, eh.

“Pero nu’ng nabasa ko naman ‘yung script, sabi ko, ‘Ah, puwede pala ‘yung katawan ko sa character ko na ‘di masyadong perfect.’ Kasi nga, ‘yung role ko ay ‘yung medyo nag-i-struggle ako, okey lang na may wrinkles-wrinkles ako, na medyo flabby ako. ‘Kala ko kasi, kapag sinabing beauty in bottle, kailangang halos perfect ang katawan pero ‘di naman pala.”

Advertising agent na takot tumanda ang papel ni Assunta sa Beauty In A Bottle kaya gagawin niya lahat para maging younger looking.

Ito rin ba ang nararamdaman niya sa totoong buhay? Anu-ano ang insecurities niya?

“Siyempre, meron din akong insecurities. I wish I was born with ‘yung kutis porselana. ‘Yung taong walang pores! Kasi, sobra akong oily, eh. So, sobra akong pimple-prone and it’s so high maintenance. Kaya minsan, napapagod na ako na, ‘Bakit ako hindi pinanganak na kutis-LyNa? ‘Yung walang pores na sobrang low maintenance lang na parang you just wash it and that’s it. Ako kasi, konting makeup lang, barado na ‘yung pores ko. I think that’s a life long insecurity ko hanggang ngayon,” pagtatapat niya.

Ang kalamangan ni Assunta sa ibang aktres ay hindi dumaan sa retoke ang anumang parte ng katawan niya.

“Ayoko pang matsugi. Mabuti nang mamatay ako sa katangahan, kesa mamatay dahil sa vanity! Eh, napaka-vain ko, ha? Pero gusto ko lahat, topical lang. Mahilig ako sa beauty products, I have to admit. Pero ayoko ng anything invasive. Alam ko kasi ang itsura, kasi nanonood ako lagi ng TV. Nasa Internet ako palagi,” diretsong sabi ng aktres.

Mukhang alien na nga raw ang ibang mga retokada lalo na raw ‘yung sikat na personalidad sa ibang bansa na pinagkakaguluhan ngayon sa social media.

“At saka madi-divorce ako, ayoko pa!” dagdag pa niya “Kasi, bawal talaga ‘yon. ‘Yung mga tattoo and anything na cosmestic surgery, ipinagbabawal sa bahay.”

Mapapanood na ang kanya-kanyang drama ng tatlong babaeng produkto ng Beauty In A Bottle na sina Angeline Quinto, Assunta at Angelica Panganiban sa Oktubre 29, Miyerkules mula sa direksyon ni Antoinette Jadaone mula sa Quantum at Skylight Films.