Bumibida ang mga produktong Pilipino sa Lulu Hypermarket LLC, ang pinakamalaking hypermarket sa Oman, nang ilunsad ang “Pinoy Fiesta” sa lahat ng tindahan sa Sultanate simula nitong Biyernes.

Ang Pinoy Fiesta ay marketing campaign ng Lulu para itampok ang iba’t ibang produktong Pinoy na mabibili sa mga tindahan na sinimulan ang promosyon mula Oktubre 15 hanggang Nobyembre 1.

Oktubre 15 isinagawa ang seremonya sa pagbubukas nito sa Lulu Bousher sa Muscat at dumalo si Philippine Ambassador to Oman Narciso T. Castañeda bilang panauhing pandangal.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20