LONDON (AP) – Nabigo ang World Health Organization (WHO) na mapigilan ang pagkalat ng Ebola sa West Africa, ayon sa isang internal report, kasabay ng paghirang ni US President Barrack Obama ng isang pinagkakatiwalaang political adviser upang pangasiwaan ang pagtugon ng Amerika laban sa epidemya.

Pinaigting ang pandaigdigang hakbangin laban sa Ebola kasunod ng pagharang ng mga opisyal ng Amerika sa mga potensiyal na ruta ng pagkahawa ng sakit mula sa tatlong kaso sa Texas.

Ayon sa internal report, sinayang ng WHO ang pagkakataong mapigilan ang pagkalat ng Ebola matapos itong matukoy sa Liberia, Sierra Leone at Guinea.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez