Tumaas ang koleksiyon sa buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa nakalipas na buwan.

Sa inilabas na pahayag ng BIR, lagpas ng P2.72 bilyon ang P105.71 bilyon koleksiyon sa buwis ng ahensiya para sa Setyembre.

Paliwanag ng BIR, ang nasabing pagtaas ng koleksiyon ay dahil na rin sa pagtaas ng koleksiyon sa Large Taxpayer Service na may kabuuang P66.17 bilyon sa nasabing panahon.

Kaugnay nito, sinabi naman ni BIR Commissioner Kim Henares na malalagpasan nila ang target nila ngayong taon dahil lalo pa nilang pinaigting ang kampanya sa pangongolekta ng buwis.
Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod