CARSON, California (AP)— Pinabagsak ni Gennady Golovkin ang kanyang huling 17 kalaban habang papaakyat siya sa middleweight division.

At sa kanyang muling pagtuntong sa outdoor ring ngayon, inaasahan ng sellout crowd na ang debut fight ni Golovkin sa U.S. West Coast ay magtatapos sa ika-18 sunod na knockout.

Hindi pa pinalulungkot ni Golovkin (30-0, 27 KOs) ang fans sa pag-akyat sa kanyang kasikatan, ngunit kilala niya si Marco Antonio Rubio na isang matinding kalaban kaya’t napuwersa siya upang mag-ensayo ng todo sa unang pagkakataon upang pagtuunan ang isa pang KO.

Kasama ang kanyang walang kapagurang pagngiti, inihanda na ni Golovkin ang challenge sa ilalim ng stars sa Los Angeles suburbs.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“I know it’s going to be a big drama show,” pahayag ni Golovkin. “For who, I don’t know. Everybody agrees it’s a big fight.”

Ang 12th title defense ng Kazakhborn, California-trained WBA middleweight champion’s ay palagian nang ina-advertised na may titulong “Mexican Style”, ang phrase na nakalaan kay Golovkin bilang paborito nitong gawain sa laban.

Umaasa itong mapanatili ang kanyang momentum laban kay Mexico’s Rubio (59-6-1, 51 KOs), ang longtime title contender na nagwagi ng anim na sunod na laban.

“My style is great with his style,” saad ni Golovkin, ‘di pa napapasabak sa Mexican boxer. “Just fighting. Not a lot of technical. Not a lot of moving and dancing. Just power and boxing.”

Pinabagsak ni Golovkin ang apat na top-level middleweights sa huling 16 na buwan, kasama na ang kanyang third-round victory kontra sa dating champion na si Daniel Geale sa Madison Square Garden sa New York noong nakaraang Hulyo.

“He doesn’t go out there putting pressure on himself to knock out everybody he meets, but that’s what happens,” sambit ni trainer Abel Sanchez. “He’s trained to go 12 rounds if he has to, and he knows it’s a possibility. But he also knows what the fans came to see.”