PINAG-USAPAN sa telebisyon at social media ang nakakaantig na mga kuwento ng buhay ng Kapuso Milyonaryo winners na sina Theresa ng Luzon, Junard ng Visayas, at Arlyn ng Mindanao.

Sila ay ilan lamang sa limampung milyonaryo ng hit promo ng GMA Network magmula nang nilunsad ito noong 2012. Dahil sa kanilang pagkapanalo sa Kapuso Milyonaryo, nakamit nina Theresa, Junard at Arlyn ang pinangarap nilang maginhawang buhay. Bukod sa pagkakaroon ng bagong lote at sapat na ipon sa bangko, ginamit ni Theresa ang kanyang premyo para makatulong sa mga kamag-anak na naapektuhan ng bagyong Yolanda at upang maisakatuparan ang pangarap ng kanyang anak na makapagtapos ng pag-aaral at makapag-training sa barko.

Mula naman sa pangangalakal ng plastic na ibinibenta sa junkshop, si Junard ay nakapagpundar ng piggery mula sa kanyang napanalunan upang iahon ang kanyang pamilya sa kahirapan.

Samantala, para kay Arlyn ay sagot sa kanyang mga dasal ang isang milyong piso dahil sa halip na magtrabaho ang kanyang asawa sa ibang bansa ay naibili niya ng pampasaherong jeepney ang kanyang premyo at nakatulong pa sa pagpapagaling ng kanilang kasisilang na anak na noo’y may sakit sa puso. Marami pang magagandang kuwento ang ibinahagi ng iba pang mga Kapuso Milyonaryo. Naging inspirasyon ng karamihan sa kanila ang pagnenegosyo, pagpapagawa ng sariling bahay at pagtatabi para sa edukasyon. Tunay na naging daan ang promo na ito sa katuparan ng mga pangarap ng mga Kapuso Milyonaryo winners. Kaya kinilala worldwide ang Kapuso Milyonaryo sa Spark Awards 2014 bilang Most Improved Offering sa larangan ng TV Promo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ngayong Pasko, madadagdagan uli ang mga milyonaryo. Nitong October 18 ay ilulunsad uli ng GMA Network ang ikaanim na serye ng Kapuso Milyonaryo Level Up Pamasko. Handang-handa na ang milyun-milyong pamasko para sa mga magiging bagong milyonaryo. Ka-partner dito ng GMA Network ang Porksavor All-In-One Seasoning Mix, Del Fabric Softener, Milo, Energen, Nescafe 3-In-1, Eden, Tang at Zonrox Bleach.