missworldphilippines_moa-arena11_vicoy_131014-copy

HANDANG-HANDA na ang buong Albay sa pagsalubong sa newly crowned Miss World 2014 Philippines na si Valerie Clacio Weigmann through the efforts of Gov. Joey Sarte Salceda na kilalang supporter ng mga Bicolanang sumasabak sa national at international beauty pageants.

Ngayong araw nakatakdang dumating sa Legaspi Airport ang magiging representative ng Pilipinas sa Miss World 2014 pageant sa London na gaganapin sa Disyembre.

Tinitiyak na engrandeng pagsalubong ang ibibigay kay Val (tawag sa kanya) as she visits her native province sa unang pagkakataon pagkaraang masungkit niya ang titulo at korona ng coveted Miss World 2014 Philippines nitong nakaraang Linggo sa SM Mall of Asia Arena.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang pagdalaw ng dating PBB housemate at segment co-host ng "Juan for All, All for Juan" ng Eat Bulaga ay pasasalamat na rin ng Bicolana beauty sa mga kababayang nagdasal para sa tagumpay niya sa Miss World Philippines.

Si Valerie ay ipinanganak at lumaki sa Germany pero may dugong Bicolana ang kanyang ina. Her mother hails from Daraga kaya pinili niyang i-represent ang Albay sa pageant.

Ang pagbisita sa lalawigan ang unang official function ni Val after she won. Isang motorcade ang naghihintay sa kanya after she embarks from the plane. Magsisimula ang motorcade sa Legaspi, iikot ng Daraga at babalik ng provincial capitol para sa courtesy call kay Gov. Salceda. Gagawaran din si Val ng recognition ng Sangguniang Panlalawigan dahil sa kanyang achievement. Pagkakataon na rin niya ito para maglibot sa iba't ibang evacuation centers na pansamantalang tirahan ng libu-libong kababayan na umiiwas sa nag-alburutong Mayon Volcano.

Mamamahagi rin si Valerie ng regalo para sa mga pre-schooler na naninirahan din sa evacuation centers sa mga bayan ng Camalig at Polangui.

Capping her one-day Albay visit, Val will meet with aspiring local beauty titlists na nangangarap ding sumunod sa kanyang mga yapak at iba pang Bicolana beauties who made a mark sa iba't ibang pageants tulad nina Venue Raj (Miss Universe runnerup) at Bea Rose Santiago (Miss International 2013).