Isasailalim sa mandatory medical clearance ang mga overseas Filipino worker (OFWs) na manggagaling sa mga bansang may Ebola outbreak.

Ito ang inihayag kahapon ni Health Secretary Enrique Ona sa panayam ng media sa ginanap na 65th Session ng World Health Organization Regional Committee for the Western Pacific sa PICC, Pasay City.

Aniya, kailangang mabigyan muna ng health clearance ng mga awtoridad ang OFW na magmumula sa Sierra Leone, Guinea at Liberia bago bumalik sa Pilipinas.

Kailangan 21 araw bago umuwi sa bansa ang isang OFW ay oobserbahan muna kung may sintomas ng Ebola.

National

Hontiveros, walang nakitang blangko sa 2025 budget

“Ibig sabihin lamang that they have been interviewed, tinanong kung na-expose sila to any or possible exposure to somebody na either nagkasakit or namatay sa Ebola. So, in short, titingnan natin kung sila ay may exposure. So iyon ang first step. And siyempre karamihan naman niyan walang exposure o baka halos lahat sila. However, you’ll never know kaya we are requiring na 21 days muna sila doon maghintay to make sure na wala silang symptoms,” ani Ona.

Pagdating naman sa Pilipinas ay imo-monitor ng OFW ang kanyang sarili sa loob ng 21 araw at kung makararamdam ng mga sintomas ng trangkaso, pananakit ng tiyan at pagtatae ay dapat magtungo agad sa mga ospital ng DOH o tumawag at mag-text sa mga mga awtoridad ng DOH.

Sa kasalukuyan ay may 1,755 OFWs sa naturang tatlong bansa at lahat nang tinatayang 40 OFWs na umuwi sa Pilipinas sa nakalipas na tatlong linggo ay negatibo sa Ebola.

Tiniyak naman ni Pangulong Benigno Aquino III na prayoridad ng kanyang administrasyon ang pagsupil sa mga nakahahawang sakit gaya ng Ebola at MERS-Coronavirus.

“Outbreaks of illnesses and diseases like the MERS-coronavirus and Ebola are among the greatest challenges the world faces today. For the Philippines, specifically, the fact that we have 10 million of our countrymen living and working abroad makes these kinds of outbreaks a paramount concern,” sabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa nasabing okasyon.