KATHMANDU (Reuters)— Ipinagpatuloy ng mountain rescue teams sa Nepal ang kanilang paghahanap sa ilang dosenang nawawalang climber noong Huwebes matapos ang hindi napapanahong blizzard at avalanche na ikinamatay ng 20 katao sa lugar na isang popular trekking route sa mga turista. Kabilang sa mga namatay ang walong banyaga at isang grupo ng yak herder. Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga namatay dahil sa marami pa ang hindi nabibilang matapos ang unseasonal snowstorm na hatid ng buntot ng cyclone Hudhud na tumama sa India nitong weekend.

Isang Facebook page ang itinatag noong Miyerkules para tulungan ang mga kaibigan at kamag-anak na matuntong ang kanilang mga mahal sa buhay na umaakyat sa Nepal ang mabilis na napuno ng mga nag-aalalang post mula sa United States, Canada, Australia at South Korea.

Nakatuon ang rescue teams sa lugar sa paligid ng Thorang-La area malapit sa Annapurna, ang world’s 10th highest mountain. Namatay ang mga hiker sa panahon ng kasagsagan ng peak trekking season sa Nepal, ang tahanan ng walo sa 14 highest mountain peaks sa mundo, kabilang na ang Mount Everest

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho