SIMULA sa Lunes (Oktubre 20), ipapalabas ng GMA-7 ang hit fictional period koreanovela series na Empress Ki sa GMA Telebabad.

Pagkatapos ng matagumpay na historical Korean dramas na Jewel in the Palace, Jumong, at The Legend, muling maghahatid ang GMA Network ng isa pang phenomenal primetime koreanovela offering na magbibigay ng timeless memories sa Filipino viewers. Itatampok sa Empress Ki ang epic tale tungkol sa ancient figures noong 1300s na binubuo ng emperor ng Yuan Dynasty, hari ng Korea, at babaeng nagpapanggap na lalaki na kalaunan ay magkakaroon ng malaking impluwensiya sa bansa.

Ang nagpapatunay ng pagiging phenomenal drama series ng Empress Ki ay ang pagkakapanalo nito ng Golden Bird Prize para sa Serial Drama Category sa 2014 Seoul International Drama Awards, dahil sa poignant storyline, heroic battle scenes, dramatic visual effects, at brilliant performances ng mga cast nito.

Umiikot ang kuwento nito sa buhay ni Seung Nyang (Ha Ji Won), isang babaeng pinalaki bilang lalaki upang mailigtas siya mula sa pagiging isa sa mga tribute women sa Yuan Empire. Pagkalipas ng maraming taon, magiging empress siya ng Yuan Dynasty sa kabila ng mga limitasyon sa class system noong panahong iyon pagkatapos niyang pakasalan ang matikas na pinunong si Emperor Huizong (Ji Chang Wook).

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Sisiklab ang matinding labanan ni Emperor Huizong at ng matapang na haring si King Wang Yu (Joo Min Mo) nang subukan nitong agawin ang puso ni Empress Ki mula sa emperor.

Hawak ang sandata sa isang kamay at bulaklak naman sa isa, saksihan kung paano sasakupin ni Empress Ki ang daigdig sa gitna ng mga pagsubok sa buhay.

Panoorin ang grand unfolding ng historical koreanovela series na Empress Ki simula sa Lunes pagkatapos ng Hiram na Alaala sa GMA Telebabad.