Tiyak na kakasuhan ng Philippine National Police (PNP) ang sinumang mapatutunayang nagpakalat ng pekeng bomb threat partikular sa mga paaralan, kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila kamakailan.

Ayon kay Sr. Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng PNP, ang pagpapakalat ng bomb threat ay isang krimen sa ilalim ng Presidential Decree 1727 o mas kilala sa Anti-Bomb Joke Law.

Sa ilalim ng nasabing batas may limang taong pagkakabilanggo o P40,000 multa para sa taong nagbiro kaugnay sa bomba.

Kamakailan ay nakatanggap ng bomb threat ang Far Eastern University (FEU), Southville International School and Colleges, Polytechnic University of the Philippines (PUP), Claret School, Miriam College at San Beda College-Manila.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Lumitaw na pawang negatibo o walang nakitang bomba sa loob ng mga paaralan nang suyurin ng mga tauhan ng Explosives Ordnance Division (EOD) matapos matanggap ang mga report.

Nilinaw ng awtoridad na siniseryoso nila ang lahat ng ulat na may kinalaman sa bomba dahil pangunahin ang kaligtasan at seguridad ng publiko laban sa maaaring mangyari

Gayunman hinikayat ng PNP ang publiko na maging vigilante at mapagmatyag sa lahat ng oras.