Pokwang-Lyca-copy

BUKAS lilipad patungong Amerika si Pokwang para sa US tour ng kanilang show na 4 Da Laffs kasama sina Chokoleit, Pooh at K Brosas.

Hiniling ng ating mga kababayan sa US ang pagbabalik ng grupo para muling magdulot ng aliw sa kanila roon. Matagumpay ang kanilang pagpapatawa sa mga nakaraan nilang 4 Da Laffs shows sa US noon kaya muli silang aakyat sa stage para pasayahin ang TFC kababayan sa US na gustong malibang.

Sisimulan nila ang kanilang tour sa Hawaii sa October 17 at tutuloy sila sa San Diego, New Jersey, at Chicago, hanggang November 7.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Pagbalik ni Pokwang sa ‘Pinas, uumpisahan naman niya ang primetime serye na Nathaniel, na magtatampok sa kanila ni Lyca Gairanod, ang The Voice Kids champion, bilang mag-ina.

Matindi ang all-star cast support ng Nathaniel na kinabibilangan nina Gerald Anderson, Benjie Paras at ilan pang mga bigating artista.

Nakatakdang ipalabas ang Nathaniel sa Nobyembre.