Iginiit ni Senior Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP), na walang bomb threat sa Metro Manila sa kabila ng pagkakaaresto ng tatlong lalaking iniuugnay sa isang teroristang grupo sa Quezon City.

Ayon kay Mayor, wala silang natatanggap na anumang impormasyon hinggil sa bomb plot na maaaring isagawa ng mga teroristang grupo sa Kamaynilaan. Gayunman, patuloy ang kanilang pangangalap ng impormasyon kaugnay sa nasabing report

“Ang kapulisan ay hindi tumitigil sa pagkumpirma pinakikilos din natin ang police intelligence group kaugnay sa nasabing isyu,” wika ni Mayor.

Nagbabala ang United State Embassy sa kanilang mamamayan sa bansa mag-ingat at iwasan ang pagpunta sa matataong lugar dahil sa posibleng bomb plot matapos maaresto ang tatlong suspek.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Samantala, sinabi ni Armed Forces of the Philippines(AFP) chief of staff General Gregorio Pio Catapang, na nakaalerto na ang kanilang intelligence agent kaugnay sa sinasabing banta.