blind item shades

FIRST time nakatrabaho ng sosyalerang aktres ang isang young actress na paboritong alaga ng TV network simula pa nang mag-umpisa ang career nito.

Okay naman daw ang young aktres, kaso nag-inarte sa shooting/tapings kaya naiirita ang sosyalerang aktres.

Sabi ng sources namin, mahilig magdala ng food sa set si Sosyalerang Aktres at halos lahat ay kumakain maliban sa young actress na ang idinadahilan ay hindi siya gutom.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

“Naimbiyerna si Sosyalerang Aktres pero hindi niya ipinahalata, medyo tumaas lang ang isang kilay niya, kasi feeling niya, nababastos siya. Eh, hello, ang sarap kaya ng mga dalang pagkain ni _____ (sosyalerang aktres).

“Hayun, simula no’n dedma na si _____ (sosyalerang aktres) kay _____ (young actress) at nagkakausap lang kapag may eksena, bukod do’n, waley na,” kuwento ng mga nakakita at nakakaalam.

Pero ipinagtanggol naman ng sosyalerang aktres ang young actress nang tanungin namin, “She’s on diet daw, eh, so dedma.”

Hindi rin nakikitsika si young actress sa mga kasama niya sa pelikula/programa at lagi lang itong nasa dressing room niya, ngingiti lang sa mga kasama, sabay tulog o kaya ay nagbabasa ng libro.

Nakarinig na kami ng ganitong reklamo noon pa sa young actress, baka nga sadyang mahiyain lang kaya hindi nakiki-mingle.

Sabagay, kahit naman sa entertainment press ay aloof siya.

Pero, Bossing DMB, maraming boys na nababaliw sa kanya, huh!