Makararanas ng hanggang 10 oras na brownout ang ilang bahagi ng Pampanga ngayong Martes.

Sinabi ni National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)-Central Luzon Corporate Communication and Public Affairs Officer Ernest Lorenz Vidal na mawawalan ng kuryente ang mga kostumer ng PELCO lll sa mga bayan ng Apalit, Macabebe, San Simon, Minalin, Masantol at Sto. Tomas mula 8:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.

Mawawalan ng kuryente upang tugunan ang hiling ng Stronghold Steel Corporation at PELCO lll na palitan ang mga lighting arresters kasabay ng maintenance works sa may Mexico-PIMU 69KV line.
National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya