MADRID (AFP)— Sinimulan na ng JFK airport ng New York ang istriktong bagong health screening para sa mga biyahero mula sa mga bansa sa West Africa na tinamaan ng Ebola habang nagkukumahog ang iba pang mga bansa sa mundo na masugpo ang pagkalat ng sakit.
Inanunsiyo ng Latin America, Peru at Uruguay ang mga hakbang sa kani-kanilang paliparan at binabalak ng Mexico at Nicaragua na higpitan ang mga migrante patungong US bilang Ebola precaution.
Sa Madrid, bumubuti na ang kalagayan ng isang Spanish nurse, ang unang taong nahawaan ng Ebola sa labas ng Africa.
Pinayuhan ng Canada ang kanyang mamamayan na umiwas sa West Africa, habang nanawagan ang Morocco na ipagpaliban ang January-February 2015 Africa Cup of Nations.
Mahigit 4,000 katao na ang namatay sa Ebola sa pitong bansa simula nang magsimula ang taon, ayon sa World Health Organisation.