Pinagkalooban ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ng bagong bisikleta at P20,000 tulong pinansiyal ang isang 12-anyos na tindero ng pandesal na hinoldap ang P200 P200 kinita noong Huwebes.

Nabulabog ang awtoridad matapos maging viral sa social media ang eksena habang umiiyak ang binatilyo matapos siyang holdapin ng isang lalaki gamit ang isang patalim sa Barangay 168, Deparo, Caloocan, noong Huwebes ng umaga.

“Ang bata ‘di dapat pinagtatrabaho, bagkus minamahal at inaalagaan at pinahahalagahan,” pahayag ni Malapitan habang ibinibigay ang bisikleta kay Mark habang kaharap ang ina nito sa flag-raising ceremony sa kapitolyo.

Kalmado na ang bata, isang Grade 5 student, nang tanggapin ang bisikleta at financial assistance mula kay Malapitan.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Samantala, tiniyak ni Caloocan City Police Station chief Senior Supt. Ariel Arcinas na natukoy nila ang pagkakakilanlan ng holdaper base sa footage ng isang CCTV at hindi magtatagal ay maaaresto rin nila ito. - Ed Mahilum