KOBE-Paras

May posibilidad na makapaglaro para sa tanyag na University of Californioa Los Angeles Bruins ang anak ng dating PBA Rookie-MVP na si Benijie Paras na si Kobe.

Sa kanya mismong Twitter account ay sinabi ng nakababatang Paras na tinanggap na nito ang offer upang makapaglaro sa NCAA Division team na UCLA.

“I have made my decision. I’m really happy to say that I have committed to UCLA,” ani Kobe sa kanyang Tweet.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Napahanga umano ni Paras ang scouts ng UCLA sa kanyang ipinakitang mga laro para sa Los Angeles Cathedral.

Kamakailan lamang, nagtala ang dating La Salle Greenhills standout ng 22 puntos sa natamong 50-57 na kabiguan ng LA Cathedral sa kamay ng Long Beach Poly sa DeMar DeRozan tournament.

Nauna nang nagpahayag ng kanilang interes kay Kobe ang iba pang mga unibersidad sa US gaya ng Arizona State, University of California-Berkley, UC Irvine, Portland State, Fresno State, at Texas Arlington.

Kapag nagkataon, nakatakdang mahubog ang kakayahan ni Paras sa unibersiodad na pinanggalingan ng kinikilalang All-time leading scorer ng NBA na si Karim Abdul Jabbar.