Malala Yousafzai

OSLO, Norway (AP) — Ang mga children’s rights activist na sina Malala Yousafzai ng Pakistan at Kailash Satyarthi ng India ang ginawaran ng Nobel Peace Prize noong Biyernes.

Pinili ng Norwegian Nobel Committee ang dalawa “for their struggle against the suppression of children and young people and for the right of all children to education.”

Si Yousafzai, ngayon ay 17, ay mag-aaral at education campaigner sa Pakistan na binaril sa ulo ng isang Taliban dalawang taon na ang nakalipas.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Si Satyarthi, 60, ay pinapanatili ang tradisyon ni Mahatma Gandhi at pinamunuan ang iba’t ibang mga paraan ng mapayapang protesta, “focusing on the grave exploitation of children for financial gain,” ayon sa Nobel committee.

Sinabi ng Nobel Committee na itinuturing nila ito na “an important point for a Hindu and a Muslim, an Indian and a Pakistani, to join in a common struggle for education and against extremism.”

Ang prize, nagkakahalaga ng $1.1 million, ay ipipresinta sa Oslo sa Disyembre 10, ang anibersaryo ng pagkamatay ng Swedish industrialist na si Alfred Nobel, na itinatag ang award sa kanyang huling habilin noong 1895.

Sinabi niya na dapat ipagkaloob ng prize committee ang premyo sa “person who shall have done the most or the best work for fraternity between nations, for the abolition or reduction of standing armies and for the holding and promotion of peace congresses.”